A letter from a parent
Sunday, April 22nd, 2007I read this from the internet and thought of sharing it to you guys.
I got teary-eyed and emotional after reading the letter.
Ma and dad, I love you!
Ito ay sulat PARA SA LAHAT NG MGA ANAK, mula sa inyong TATAY at NANAY…
Huwag ninyong kalimutang sabihin sa inyong mga magulang kung gaano
ninyo sila kamahal…hanggang may panahon pa. Huwag hintayin na mawala
sila bago ninyo sabihing…mahal ko kayo. Huwag magsisi sa huli…
Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensyahan. Kapag dala ng
kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa
hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang
matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing sisigawan mo ako.
Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo,
huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang
sinabi mo o pakisulat nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga
ako.
Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo,
katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.
Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit
ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo
sana akong pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak
noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo,paulit-ulit mo ‘yong
sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga’t hindi mo nakukuha ang
gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.
Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa.
Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling
magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan
mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin sa ilalim ng kama
kapag ayaw mong maligo.
Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako’y masungit, dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.
Kapag may konti kang panahon, magkwentohan naman tayo, kahit sandali
lang. inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam
kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik
na akong makakwentohan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga
kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong
pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong
teddy bear.
At kapag dumating ang sandali na ako’y magkakasakit at maratay sa banig
ng karamdaman, huwag mo sana akong pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo
na sana kung ako man ay maihi o madumi sa higaan, pagtyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay. Tutal hindi na
naman ako magtatagal.
Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking
kamay at bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.
At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,
ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka sana … dahil naging mapagmahal
ka sa iyong ama’t ina…
P.S anak kunin mo na panyo mo dyan sa bulsa mo at punasan mo ang iyong
luha natural lang yan wag ka ng mahiya….mahiya ka kapag wala ng
luhang pumatak sa mata mo.
……………………
The thesis thing is starting to get into my nerves. Up to now, i am not yet sure of what topic ill have for my thesis. I’ve finally scraped the idea of bagging the Outstanding Thesis but not the Thesis of the Year! lol! Seriously, i’d lean on a simpler thesis topic since i am not hearing good feedbacks RE: Thesis adviser. AND I am not that confident doing it with him. Yeah, it still depends upon the student’s performance, but hey, its not a one-man effort, we still need a good mentor.
FYI: The thesis professors were assigned to us by means of a raffle. Yup, yup, we all had to put our fate on those pingpong balls and cross our fingers that we’d possibly have the GOOD ones. I am not just sure if EVERYONE had their fate on the pingpong balls too or in the hands of the college OFFICE. Well, i’ve been hearing/reading alot of rumors regarding this, and i can’t hide my disappointment.
……………………..
I found this comic strip from an online forum. ENJOY!