Archive for August, 2005

Buhay Arki Student

Tuesday, August 23rd, 2005

kapag
tinanong ka nila, " anong course mo?"
tapos sasagot ka, "arki."
kung minsan w/ confidence
pa "architecture!"
yung iba parang resume na, "b.s
architecture (bachelor of science ba)."
sasabihin naman nila, "naks naman!"
yung iba elib na elib pa, "uy ang galing!"
aba’y akala naman nila ganon kadali.
ayan, may plate na. "Proposed
abcdefghijklmnop…"
deadline nito, 4 hanggang 6 na linggo.
yan na sina computer literate. browse
dyan, browse dito. kuha ng pictures at
mga detalye sa kung saan saang
http:www………………… yung iba
tanungin mo’ "ano to?"
asa ka pa, di naman binasa.
siyempre naman no, di mawawala
sina ‘bukas na’, ‘maaga pa’ at ‘wag
muna’ students.
san ka pa, petiks muna yung iba.1
hanggang 3 linggo, naku, maaga pa
masyado.
pang 5 linggo,

tara

gawaan na ng

plano

.
pag minalas malas pa, yung dinrowing
mo magmumukhang spider web sa
pentel pen ni sir! grrr…

…syempre di mawawala yung ‘over nyt’
kung grupo kayo.
yung iba, parang tourist, pupunta ng
umaga tapos uuwi ng gabi. kinabukasan
ganon nanaman yon.
meron namang mega hakot award to the
10th power ng mga damit, gamit pera
mula sa kanila.
san ka pa, parang magpapa-ampon na
siya.
yung klasmeyt namang may-ari ng
bahay, kulang na lang maglagay na ng
banner ‘home for the refugees’.
may magagawa ba siya? asa ka pa.
kung may tourist, meron ding parang
mga naligaw lang o napadaan lang.
pasaway kumbaga.
sa loob ng 14 hanggang 21 na overnyt, 3-
4 na beses dadalaw siya.
kung minsan nakakaasar pa, sarili lang
niya bitbit nya, buti yung utak nadala pa.
then once upon a time, may mga
horrible experiences pa, pwedeng
ipadala sa nginig.
eh ikaw ba naman madaling araw na
tirik pa, ewan ko na lang kung anong
elemento makita mo.

ayan drowing na, walang kong pakialam,
umulan, uminit, may mumu, may
pasaway, manginig na lahat ng
manginig.
basta tatapusin ko to. kain lang ang
break ko…

…sumakit ang mata, ipikit mo lang ng
20 seconds.
mangatog ang kamay, sige tigil muna
for 5 minutes.
mamamatay na huminto, bukas na
papasa na to.
tapos may magpapatawa, "

tara

, nood
tayo libre ko kayo! pero tapusin natin
hanggang las full show."
ewan ko ba? di naman kalbo.
sa sobrang kabangagan, yung iba
kukuha lang daw ng scriber sa kuwarto,
aba! nadikit lang sa

kama

, ayun
bulagta.
yung isa naman, nagbubura habang
nakayuko,
maya-maya yung kamay niya parang
makinang na lo-bat, asa ka pang siya’y
dilat.
hay…nakakaawa talaga.

pero ok lang yon, as of the saying ‘life
goes on’.
nakakainis, nakakapagod, nakakatakot,
nakakakorek, nakakapraning,
nakakaburaot, nakakabankrap,
nakakapasma, at kung ano2 pang
nakaka sa mundo mararanasan mo.
pag board exam na, minalas-malas
bumagsak pa, ahihihi!

mahirap mang isipin, pero masaya to.
bakit? ewan.
basta, ARKI ako.